It's Complicated

chapter 1

*sa school*

"Jake Alehente! Ano ka ba?! 3rd year high school na tayo. Ganyan ka parin!" sabi ni Jessie habang binabawi ang kanyang kamay sa pagkakapisil ni Jake, ang best friend niya.

"Binibiro lang naman kita eh, cute mo kasi!" *pinch pinch*

"Naku, kung di lang kita best friend. Suus! O, ayan na pala sila Matt at Dianne, ang sweet talaga nila. Sana balang araw darating din ang lalaki para sa akin."

"Eh ano ba kasing type mo sa isang guy?"

"Yung...mabait, matalino, gwapo, sweet at higit sa lahat yung CARING! Haay! Kelan pa kaya ako makakahanap ng lalaking ganun?"

"Naku Jessie ha! Parang ako naman ata yang dinedescribe mo eh! Kaw ha, type mo pala ako!"

"Feeling ka ha!" sabay palo sa ulo ni Jake "aalis na nga ako!"

"Teka Jessie wait!"

"Ewan ko sayo!"


Jake's POV


Kasama ko si Jessie at as usual kinukulit ko nanaman siya wahahaha >:) Kahit nagalit si Jessie sa aking pangaasar at umalis, ok na yun, KUMPLETO NA ANG ARAW KO! Oo kumpleto na, matagal ko na kasing mahal si Jessie.



Jessie's POV


Naglalakad ako sa campus . Kakainis naman kasi si Jake. Napaka feeling. Oo, gwapo siya, matalino at mabait yun nga lang hindi siya sweet, palagi niya akong inaasar at hindi ko siya type. Mahal ko siya pero hanggang best friend lang yun. Kakainis talaga!


***********


"Aray!" napasigaw si Jessie dahil na tapilok siya nang dahil sa bato.


Shet! Lecheng bato!


Buti nalang may nakasalo sa kanya.


Pero wait! May humahawak sa kamay ko. Ang lambot-lambot ng kamay.


Pagtingin niya sa nakasalo sa kanya, nagblush siya...



**END OF CHAPTER**

1 comment:

Anonymous said...

your story is so beautiful :>