Chapter 4
Papunta na si Jake sa bahay nila Jessie. Ngunit pagdating niya sa bahay nila Jessie, wala pa ito.
“Manang Sita, nasaan po si Jessie?”
“Jake, di pa nakakarating si Jessie eh. Gusto mo bang pumasok muna?”
“Wag na po. Dito nalang po ako sa labas magaantay.”
“Naku! Malamok dyan hijo!”
“Okay lang po”
“Hay naku! Sige na nga! Gusto mo ba ng maiinom?”
“Wag na po. Okay lang ako ditto.”
Naghintay si Jake sa labas ng bahay nila Jessie. Isang oras na siyang nagantay sa labas ng bahay nila Jessie, wala parin si Jessie.
Asan na kaya si Jessie? Bakit ang tagal niya? Ano kaya ang ginawa sa kanya ni Kevin?
***********
1 hour ago:
*ring ring*
Kevin: Hello ma?
Mrs. Belisario: Hello Kevin… Sabay tayo magdinner ha?
Kevin: Ha? Eh ma. May kasabay ako ngayon eh… pero pauwi na rin ako.
Mrs. Belisario: Sige na hijo. Nagugutom na ako. Isama mo nalang siya. Sabay na rin siyang kakain sa atin.
Kevin: eh ayaw daw niya ma eh… nahihiya.
Mrs. Belisario: Sabihin mo sa kanya I won’t take no for an answer.
Kevin: Okay , we’ll be there in five.
*end of conversation*
Nakarating na sila sa bahay ni Kevin. Pinagbuksan ni Kevin si Jessie. Pagkarating nila sa may pintuan, sinalubong sila ng mama ni Kevin.
“Hijo, hija” sabay beso sa kanilang dalawa.
“Hi ma!”
“Hello po Mrs. Belisario”
“Ano ka ba, tita nalang” sabi ni Mrs. Belisario kay Jessie. “Ikaw ba si Jessie?” tanong nito.
“Ah, opo tita. Pano niyo po nalaman?” may pagka psychic pala tong mama ni Kevin eh.
“Parati ka kasing kinekwento ni Kevin sa akin.”
“MA! Pumasok na nga tayo.” Namula si Kevin.
*sa dining area*
“O, hija, busog ka na ba? Kumain ka pa. ang konti lang ng kinain mo.”
“Ah opo. Busog na po ako. Hihihi”
“Suuuuss! Nahihiya pa. kumain ka pa” sabay lagay ng pagkain sa plato ni Jessie. “ubusin mo yan. Alam ko namang malakas kang kumain. PIGLEEEETTTT!!!!” sigaw ni Kevin habang inaakbayan si Jessie.
“Ano ka ba? Hindi ako malakas kumain noh at mas lalong hindi ako Piglet!”
“hahaha ang sweet niyo naman. Kayo nab a, anak?”
Nabilaukan si Jessie sa tinanong ng mama ni Kevin.
“Naku! Hindi po!” napasigaw si Jessie.
“hindi PA ma :D” sabat ni Kevin sabay kindat kay Jessie.
Napatawa nalang ang mama ni Kevin.
******
Sa kakaabang ni Jake kay Jessie, nakatulog ito. Umulan ng malakas, nagising si Jake. Nang pagbukas niya ng kanyang mga mata, nakita niyang may paparada na kotse.
“Jessie! Wag kang lumabas. Ang lakas-lakas ng ulan!” sigaw ni Kevin.
“That’s the point! Ang lakas-lakas ng ulan. Basang-basa na si Jake!”
“Pabayaan mo na siya, siya naman may gustong magpaulan eh!”
“Anong pabayaan?! Si Jake ang pinag-uusapan natin! Best friend ko siya!”
“So?! Mababasa ka!”
“Wala akong pakialam. Wala kang karapatang diktahan ako dahil buhay ko ito! Umalis ka na nga!”
“Jake! What were you thinking?! Bakit ka ba nandito?! Bakit hindi mo naisipan na pumasok ng bahay naming?! Sa ginawa mo siguradong magkakasaki---“
Hindi na pinatapos ni Jake si Jessie. Niyakap niya ito.
“Shh… just shut up. Okay lang naman ako lalo pa’t alam kong safe ka nakauwi ng bahay” hinalikan ni Jake si Jessie sa noo.
Binalikan naman ni Jessie ang yakap ni Jake.
"Tara, pasok na tayo." sabi ni Jessie
"okay"
Pumasok na sina Jessie at Jake sa bahay nila Jessie.
"Oh bakit basang-basa kayo? Naglaro nanaman ba kayo sa ulan tulad ng ginagawa niyo noong bata pa kayo? 3rd year na nga kayo naglalaro parin kayo"
"Hindi po tita. Wala po kasi kami nakadala ng payong eh. hehehe"
"Ganun ba? O sige. Maligo na kayo. Jake humiram ka nalang ng damit kay Justin. Ikaw na ang kumuha ng damit sa kuya Justin mo, Jessie"
"Opo!" sabay na sinabi nila Jake at Jessie.
Habang umaakyat sila sa hagdan, nagsalita si Jake.
"Ako mauuna maligo ha?!"
"Anong ikaw? Bahay ko kaya to. At saka nangangati na ako, ikaw kasi, nagpaulan ka pa."
"Kasalanan mo rin naman eh...tagal mo kasing umuwi"
"Bakit sinabihan ba kitang antayin ako?"
Kukurutin na sana ni Jessie ang ilong ni Jake nang may namiss siyang step
"OH MY GOSH!" sigaw ni Jessie
Buti nalang nahawakan ni Jake ang kamay ni Jessie.
"Magingat ka kasi...alam ko naman na kyu-kyutan ka sakin at sa sobrang pagkacute ko, na starstruck ka sakin at nakamiss ka ng step HAHAHA"
"Oy Jake, anong ginagawa mo sa kapatid ko?" sabi ni Justin
"Eto kasi si Jessie kuya, na starstruck sa kagwapuhan ko ayun tuloy, muntikan nang mahulog buti nalang at nahawakan ko"
"Ah ganun ba? Good job bro!"
Natapos nang maligo sina Jessie at Jake pero hindi pa rin tumigil ang ulan.
"Oh Jake, ang lakas-lakas pa ng ulan, bake hindi makapasok ang driver mo sa village namin" sabi ng mama ni Jessie.
"So what are you suggesting, tita?"
"Dito ka na matulog. Dun ka na sa guest room"
"Okay po"
"Para na rin sabay na kayo ni Jessie pumasok ng school"
Inihatid ni Jake si Jessie sa kanyang kwarto.
"Sige na Jake matutulog na ako, good night!"
"Good night! Sweet dreams!" sabi ni Jake sabay halik sa pisngi ni Jessie.
"Ano ka ba Jake! Kung makanakaw ng halik!"
"Sus! As bestfriend lang yun!" excuse ni Jake "Matulog ka na nga! Good night!
"Hmmp! Good night!"
Jessie's POV
Ano ba naman to si Jake! Haay :| hindi ako makatulog sa ginawa niya. Tssk! 10:30 na pero hindi pa talaga ako makatulog.
Jake's POV
Wahahahaha. Nagawa ko na rin ang gusto kong gawin sa kanya. hahaha. akala ko susuntukin na niya ako nun eh! makatulog na nga.
*Kinabukasan*
*tok tok*
"Jake, gising na" sabi ni Mrs. Cruz
*tok tok*
"Jessie gumising ka na! Pinapunta ko na si manong Jun. Sabay na kayo pupunta ni Jake sa school."
Bumaba na si Mrs.Cruz at bumukas ang dalawang pinto.
"Good morning" sabay bati nilang dalawa sa isa't-isa naligo na silang dalawa at sabay nang bumaba para kumain
"Kain tayo" sabi ni Mr.Cruz
"haha sige po tito"
"okay lang ba ang tulog mo Jake?" tanong ni Mrs.Cruz
"Ah opo. hehehe. ang sarap nga ng tulog ko eh"
"Buti naman kung ganun. Oh Jessie, kain pa" sabi ng mama niya
"Ayaw ko po, busog na ako"
*beep beep*
Bumukas ang gat nila at may kumatok.
"O, ayan na ata si Mang Jun eh" sabi ni Mr.Cruz
"Good morning po, ma'am, sir. handa na po ba si Jessie?" sabi ni Mang Jun
"Ha? Ang aga pa po Mang Jun! Pwede po bang 6:50 na tayo umalis? 6:20 pa po eh..." sabi ni Jessie
"Ha? O sige"
6:50 na, umalis na sina Jake at Jessie
**********
Aaagahan ko nalang pumunta sa school para maabutan ko pa si Jessie sa gate at para makasorry na rin ako dun sa nangyari kagabi. Alam kong naging makasarili ako, kaya hihingi nalang ako ng tawad sa kanya
"O, ayan na pala ang kotse nila Jessie. Pupuntahan ko nalang siya para maging ok na kami"
Papunta na sana si kevin sa kotse nila Jessie subalit napahinto siya at biglang nanginginig sa galit nang dahil sa kanyang nakita.
*End of Chapter*
No comments:
Post a Comment