Chapter 11
Jessie’s POV
Mag dadalawang linggo na rin kaming hindi nagpapansinan ni Jake. Walang nag lakas loob sa aming dalawa. Siguro ay napapansin nya na rin na iniiwasan ko siya. Napapansin ko rin na panay ang tingin niya kay Lindsay: l
“Jessie”
“Jake”
Sabay namin sabi dalawa.
“ano yun?” sabay ulit kami nagsalita. Ay! Ano ba yan >.<
“Ikaw na mauna, Jake.”
Papaunahin ko nalang siya magsalita. Baka importante ang kanyang sasabihin.
“can I uhh..”
“can you what?” kinakabahan ako kasi parang ewan! Hindi ko siya maintindihan.
“can I talk to you in private?”
Yun lang naman pala eh. “sure.”
Papunta na kami sa table tennis room, wala kasing tao dun.
“Jessie.. uhm..”
“ano yun Jake?” kinakabahan ako sa tono ng boses ni Jake >.<
“ano kasi..”
“Jake, ano ba kasi yun? Pwede bang wag mo putul-putulin? Kinikilabutan ako sa’yo eh.”
“kasi.. ano.. naguguluhan ako sa mga nangyayari.. sa mga nakaraang pilit kong ibinabaon sa limot pero pilit pa rin ito bumabalik. Nakakainis naman kasi. Bakit kasi- -“
“diretsohin mo na ako Jake. Ano bang gusto mo?”
“I want a..”
“a what Jake?!”
Medyo naiinis na rin ako, tagal kasing magsalita. Gusto ko nang malaman anong gusto niyang sabihin para makaalis na rin ako dito.
“I want a cool off..”
(now playing: Goodbye)
“WHAT THE HELL?! BAKIT?! Leche naman oh! Ang labo mo! Ako nga tong dapat mag decide niyan kasi ako ang nasasaktan. Shetlang!” yan ang gusto kong sabihin sa kanya pero ito lang ang lumabas sa bibig ko.
“yun lang ba? Ok. Cool off lang naman pala eh. Hindi break. So, ok.”
Shet. Napaka plastic ko. Martir na kung martir pero mahal ko siya. Anong magagawa ko? Ayaw ko siyang mawala sa akin.
“thank you for understanding Jessie.”
Lumapit sa aking mukha si Jake kaya pumikit ako. Naramdaman ko ang pagdampi ng kanyang labi sa akin noo. Akala ko hahalikan niya ako. Ts. Cool off nga di ba? Ano ba naman iyan Jessie. [agkatapos nun, umalis na siya. Napaupo nalang ako sa sahig. Hindi ko pinapansin ang mga taong dumadaan. Hindi ko rin namalayan na umiiyak na pala ako.
Bzzt bzzt
Noey Ganda calling
Nakakailang missed calls na rin si Noey. Kaya pinatay ko nalang cellphone ko.
Bakit ganun? Bakit ang sakit sakit? Bakit kahit na hindi niya sinasabi na si Lindsay ang dahilan ng pag cool off naming dalawa ay feeling ko siya ang dahilan? Ang sakit talaga. Kung makatingin siya kay Lindsay, parang may tinatagong feelings. Tsssk! sakiit!
“ANG SAKIT!” sigaw ko.
“bakit? Anong nangyari?” hindi ko namumukhaan ang nagsalita dahil sa mga luha ko. Pero pamilyar ang boses.
“ke-kevin?”
“mm?”
“anong ginagawa mo dito?”
Bigla siyang lumapit sa akin. Umupo siya sa tabi ko.
“hindi kasi kita mahanap sa classroom kaya hinanap kita.”
“tinanong ko rin si Jake kung alam nya kung san ka, sabi niya andito ka daw kaya pinuntahan kita.”
Si Jake? Ni hindi lang naman siya nagalala sa akin? Tssk. </3
“si Jake? A-anong ginagawa *sob* niya ngayon?”
“nakikipagusap kay Lindsay. Nakikipagtawanan pa nga yun siya eh.”
SHET! Pagkatapos niyang makipag cool off sa akin? Gaganunin niya lang ako? Wow ha!
“pumasok ka na sa klase natin baka mapagalitan ka pa. dito muna ako.”
“no. I won’t leave you. Kahit na ipagtabuyan mo pa ako ng paulit ulit. I’ll always be here for you.”
“pero..”
“no but’s, Jessie. I don’t want to see you cry. It pains me seeing you hurt.” Habang sinasabi niya yun, pinupunasan niya ang aking mga luha gamit ang kanyang panyo.
We stayed there for like 5 minutes.
“uhm.. Kevin, okay na ako.”
“sigurado ka?”
“oo.”
“sige, ihahatid na kita.”
“ok.”
So yeah. We went back to our classroom only to find out that they had an early lunch. Pano naming nalaman? Simple lang naman. May naka sulat sa board na: “Jessieeee~! Kain na tayo. Nomnomnom. Early lunch, dude! \m/ see you sa cafeteria ^__^ - iya and bea. P.S may chika kami T.T it’s about Dianne.”
“oh pano ba yan? Lunch na daw. Baba na tayo, nagutom ako sa kalungkutan mo eh.” Sabi sa akin ni Kevin na nakangiti.
“ok. Ako rin, gutom na. sorry kung naguton ka nang dahil sa akin TT.TT”
“okay lang yun. Ikaw pa. lakas mo sa akin eh.”
“AAY!” pinalo k osiya sa kanyang braso. Pano ba naman kasi, ginulo niya buhok ko. Ano ako? Bata? Tss!
“haha. joke lang. ikaw talaga. Ang pikon pikon mo naman, piglet!” Kinurot niya cheeks ko.
Tssk! Anjan nanaman siya sa piglet piglet niya TT.TT kala ko nakalimutan na niya yun eh.
“tsk! Wag mo nga akong ma piglet piglet! Ts.”
“oo na. oo na. sorry ^__^ tara, hatid na kita.” Sabay akbay sa akin.
Tatanggalin ko pa ba ang pagkakaakbay niya sa akin o hindi? Wala namang malisya dun eh. Matalik na magkaibigan lang talaga kami. Aaah! Wag na nga lang.
“a-ano Kevin.. sabay ka na sa amin mag lunch. Please?”
“haaay. Sige na nga.”
Bumaba na kami at nakarating na sa cafeteria. Hindi pa rin niya inaalis ang pagkakaakbay sa akin. Marami nang tumitingin sa amin at ako’y naiilang na. kaya tinanggal ko ang kanyang kamay sa aking balikat.
Nakita ko si Jake na nakasimangot. Hala! Nakita kaya niya? Bahala na nga, ‘cool off’ naman kami, haaaay :l
“JESSIEEE~!” lakas naman ng boses ni Bea. Nilingon ko kung san nanggaling ang boses pero di ko mahanap. Asan na ba sila?
“yooohooo! Jessie! Tingin ka sa right!” sigaw din ni Iya.
Grabe naman ‘tong dalawang ‘to! Mga walang hiya. Sigaw pa.
“oh ayun naman pala sila eh. Tara na.” sabi ni Kevin.
Bumili muna kami ng makakain bago kami pumunta kanila Noey. Nang makarating kami dun, ang dami nilang tanong like: “anong nangyari?” “anong sabi ni Jake?” “hindi ba siya sasabay?”
“nakipag cool off siya.” I said it like it’s fine with me but deep inside, it hurts me. A LOT. They looked stunned.
“nga pala, sabay kakain si Kevin sa atin. Ano ba yung chika, Dianne? Na miss kita. ”
Tinanong ko si Dianne, ang isa ko pang best friend. Kaso hindi na siya masyadong nakakasabay sa amin kasi busy siya masyado sa kanyang boyfriend na si Matt. Palagi silang magkasama. Inseparable yung dalawang yun eh. Kulang nalang sa iisang bubong na sila tumira. Ganong sila ka impossible ipaghiwalay.
“a-ano kasi..” naiiyak na sagot ni Dianne.
“hala! Bakit ka niiyak?”
“b-b-break *sob* na kami *sob* ni Matt.”
“WHAT?!”
Kawawa naman si Dianne TT.TT akala ko pa naman sila na talaga. Haay nako :l napaka unpredictable talaga ng love. Saying naman ng 2 years!
“kasi sabi niya *sob* sawa na daw siya *sob* paulit ulit nalang daw ginagawa naming *sob* ang sakit!”
“shh.. tama na, Dianne. Nandito lang kami para sa’yo :]” then I hugged her.
“tahnk you, Jessie. Pero, ang s-sakit talaga eh”
“oo, alam ko. Masakit talaga. Shetlang!””
“tama na nga iyan. Nakakahawa eh. Tingnan niyo yang mga mukha niyo, ang papanget na. haha.” sbai ni Noey.
“sira ka talaga Noey!” pinalo l psi Noey at pinahiran ko ang konting luha na nabuo sa gilid ng mata ko.
“oh ayan! Napatawa ko na kayo. Ang galing ko naman. Hohoho.”
“loko ka! Haha.” sabi ni Dianne na pinapahiran na rin ang kuha niya.
“hmmph! Anyhow, since pareho kayong mga sawi sa pag-ibig..”
“hoy! Cool off lang kami noh! May pag asa pa!” sabi ko.
Nasamid naman bigla so Kevin.
“uy! Kevin, ok ka lang?”tanong ko sa kanya.
“ah. Oo. Okay lang ako. Don’t mind me.”
“lol. Okay. As I was saying, since sad inyong lovelife, let’s have a vacation!”
“game!” sigaw nila Bea at Iya.
“papa Kevin! Sama ka ha!” yaya ni Noey kay Kevin.
“sure ba. Kung sasama si Jessie.” Sabi ni Kevin sabay paawa face sa akin.
“hmm. Sige na nga!” sabi ko. Kelangan ko na din ata magtanggal ng stress!
“game na din ako!” sabi ni Dianne with a smile.
“YES! So gora na tayo lahat ah. Dun tayo sa resort ng tito ko, the famous blue wave resort!”
“yehey!” we all said in unison.
“be ready for my two-piece! Hahaha!” sabi ni Noey.
“eeeeew!” sigaw naming lahat.
“joke lang naman. Hahah! Tara na nga nang makapagready na tayo bukas. Total Saturday naman bukas eh.”
“sige!” sabay ulit naming sabi.
**END OF CHAPTER**