Chapter 9
Jessie’s POV
“hi Jakey ko. Miss me?” sabi nung Lindsay sa Jake KO!
WTF?! Kapal!! Tanungin ba naman si Jake kung namiss siya? Ugh. Umagang umaga pinapainit nito dugo ko! Lech!
“uhm.. excuse me, do you know her Jake?”
Hindi umimik si Jake. Bakit ganun? “tinitingnan lang niya si Lindsay.
“Jake? Jake!”
“uuh.. yeah?”
“tsk. Tanong ko if kilala mo siya.”sabi ko habang tinuturo si Lindsay.
“uhm.. of course.. not” sabi ni Jake.
“what?! Stop lying Jakey!” tapos umupo siya sa tabi ni Jake. Wala kasing naka upo dun.
“shut up! Don’t call me that. I don’t know you.”
“tss. Pakipot ka pa. alam ko namang gustong gusto mo na tinatawag ka nun.” Sabi nung maharot na babaeng iyon.
“I’m the only person who can call that. Right Jakey?” dagdag pa niya.
“I SAID STOP!” sigaw ni Jake.
“Mr. Alehente! Why are you shouting?” sigaw ni ma’am.
“nothing ma’am. Can I excuse myself? I’m not really feeling well.” Sabi ni Jake.
“okay. Stay In the clinic. Get some rest.”
“thank you.” Umalis siya agad without even saying goodbye? Tssk.
Napansin ko naman na parang may nakatingin sa akin. Paglingon ko, AAAAAA!!!! Joke lang. nakatitig sa akin si Lindsay. Parang ang sama ng tingin sa akin eh.
“binibining Fuentes, ano ano ang mga alam mo sa Noli Me Tangere?”
“ang Noli Me Tangere ay isinulat ni Dr. Jose Rizal. Sina Cristomo Ibarra at Maria Clara ang mga pangunahing tauhan. Maraming mga naging hadlang sa kanilang pagmamahalan kaya’t masasabi ko na ito’y tungkol sa pakikipaglaban para sa tunay na pag iibigan.” Saad ni Lindsay.
“napaka gandang sagot, Ms. Fuentes. Maari ka nang umupo. Ikaw naman Ms. Cruz, ano ang iyong pananaw tungkol sa tunay na pag-ibig?”
Agad akong tumayo nang marinig kong tinatawag ako ng aming guro.
“ang tunay na pag-ibig ay kahit ano pang pagsubok ang dumating sa buhay niyong dalawa, magiging matatag parin kayo.”
“ayiiie! Jake!!” tukso ng mga kaklase naming sa akin.
“excuse me, but I think that’s not appropriate. Jake is not with her. He’s mine, got it?”
What the eff is she talking about?! Dream on!
*riiing*
Pag alis ni ma’am, I immediately confronted Lindsay.
“what are you talking about?! Why are you claiming that MY Jake is yours?”
“because, technically, YOUR Jake Is STILL my boyfriend. So, whatever that is going on between you and Jake, it’s just a lie. Better let him go before he leaves you for me.”
Natulala ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ni hindi man lang ako nakapag salita.
“recess na!” sabi nung isa naming kaklase.
Hinigit ako agad nila Noey.
“anong nangyari dun sis?” tanong sa akin ni Noey.
“ewan.”matipid kong sagot.
“anong ewan? Eh parang isang sagot nalang sa iyo ni Lindsay eh maiiyak ka na.” sabi naman ni Bea.
“o nga. Wag mo siyang patulan. Don’t stoop down to her level. Di hamak naman na walang siyang manners.” Sabi rin ni Iya.
“sorry, hindi ko naman sinasadya. Nadala lang kasi ako sa aking emotion.”
“wag kang maniwala dun. Baka masyado lang siyang adik kay Jake kaya nasabi niya yung mga yun.” Saad ni Noey.
“oo nga. Baka wannabe.” Dagdag pa ni Bea.
“eh kung isa lang siyang wannabe, bakit parang nagitla si Jake nung nakita niya si Lindsay?” sabi ko.
“eh baka stalker siya ni Jake? Kaya nagulat si Jake nung Makita niya yung stalker niya sa kanyang school. Diba?” sabi naman ni Iya.
“pero.. pero bakit nagpa excuse si Jake nung kinausap siya ni Lindsay?” ang dami kong tanong. Eh sa curious ako. Not to mention worried.
“baka not feeling well lang talaga si papa Jake nh. Ano k aba? Ang dami monng tanong.”
“o nga! Ang daming tanong! Magtiwala ka lang kay Jake. Trust is a must.” Sabi ni Bea with matching hand gestures pa.
“tamaa~ think positive lang, Jessie!” dagdag naman ni Iya.
“pero.. pero kasi..”
*riiing*
“tama na sis. Just trust Jake, okay?” sabi ni Noey.
“as if naman papatulan niya si Lindsay. Parang hindi mga ganun type ni Jake eh.”sabi ni Bea habang tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
“haha. tama nga kayo. I trust Jake. At alam ko namang ako ang may hawak sa puso niya.”
“ayy? May ganun? Ano raw yuuun?” sabi ni Iya.
Tama. Trust is a must. Hindi magiging matibay ang isang relationship pag walang trust.
Jake’s POV
Nung pinayagan ako ni ma’am na umalis, agad akong pumunta dito sa tambayan ko pag magulo isip ko. Wala naman kasi talagang pumupunta dito eh. Kaya pwede ko tong solohin. Sana lang walang makakakita sa’kin dito, baka isumbong ako. Masisira condust ko. Tsk. Ang daming problema!
Bakit ba siya andito? Bakit ba kailangan niya bumalik? Kung kelan masya na ako, ngayon pa siya babalik. Hindi pa ba siya nakontento sa ginawa niya? Nag bell na, ibig sabihin, tapos na ang recess. Ayaw ko pang pumasok. Dito nalang muna ako.
***
“chinese ang next period! Candy time! Bili muna tayo. My treat.” Sabi ni Bea.
“bilhan niyo nalang ako.” Sabi ni Jessie.
“hmmph! Sige na nga! Tara Noey!” sabi ni Iya.
Jessie’s POV
Hay naku! Mga adik talaga sa candy ang mga ito lalo na pag chinese. Pero at least nakakasagot parin sila. Ouch! May bumangga sa akin. Pag lingon ko, AAAA! Joke.
“oh, I’m sorry.. or not.” Sabi ni Lindsay with a sarcastic tone.
“ano ba talaga problema mo?! Watch where you’re going!”
“ikaw! Ikaw ang problema ko! Inaagaw mo ang Jake ko.”
“anong inaagaw? Akin si Jake. Ako ang girlfriend niya. So please, stop fantasizing.”
“you don’t know the whole story, girl.”
“Ms. Fuentes and Ms. Cruz, please proceed to the classroom.”
Damn! What’s the whole story?! What is she really talking about?! Buti nalang at lumabas na ang chinese teacher naming. It gave me time to think. Dumating na si Jake galing clinic, umupo na siya sa tabi ko, walang nagsasalita.
Lunch came by and natapos na rin ang afternoon subjects. It was a boring afternoon. Dismissal na, nagpaalam na ako kina Noey kasi napagtanto ko na kailangan kong makausap ngayon si Jake. I need to know everything.
Nakita ko ang likod niya. I know na siya iyon. When I was about to approach him, I saw him talking to someone. I moved a little to see who he is talking to. I saw him talking to Lindsay. I’m eavesdropping. I don’t care kung mali ang ginagawa ko, gutso ko lang malaman anong pinaguusapan nila. May right naman ako eh, dba?
“just say you love me, Jake. You know you love me.” Sabi ni Lindsay na ginamit ang kanyang malanding voice.
“I love you..” sabi ni Jake.
“I knew it. You’ve always loved me.” Sabi ni Lindsay sabay hug at kiss sa cheeks ni Jake.
THEFCK?! Masyado na akong nasaktan sa mga naririnig ko. Those 3 words are enough to break my heart. It hurt me even more knowing that it came from my boyfriend’s mouth. Umalis na’ko, ayoko na marinig ang mga susunod na sasabihin niya sa Lindsay na yun. I can’t believe him. I thought I was his first loveand only love? Yun naman ang sabi niya sa akin dba? Tssk. How stupid of me to believe him.
**END OF CHAPTER**